Villar Joke
by Hustisya
May joke ako regarding Villar at sa sobrang pag-rely niya sa kanyang mga advertisements;
Minsan nagpapahinga si Manny Villar at biglang humangos ang kanyang amuyong;
Amuyong : Sir…sir…sa subdivision nyo lumalangoy na ang mga tao sa baha.
Villar : Bili ka commercial. Ipakita mo kunwari pool yung nilalanguyan nila.
After a few days…..
Amuyong : Sir…sir…Mga tao sa subdivision ninyo parang lumalangoy na sa dagat. Lalim na kasi na baha.
Villar : Ah, walang kwenta yan. Bili ka ng commercials. Ipakita mo kunwari resort at sa dagat nagswi-swimming ang mga tao.
After a few days uli…
Amuyong : Sir..sir…Mga tao sa subdivision ninyo lumalangoy na sa dagat ng basura. Wala kasing drainage. Naghalo na ang baha sa basura. Nakakadiri…
Villar : Walang kwenta yan. Bili ka ng commercials, kunwari livelihood. Me kwarta sa basura.
After a few days pa…
Amuyong : Sir…sir…nasa gitna na ng kalsada na natutulog ang mga tao dahil talagang di na pwedeng tirahan yung subdivision nyo.
Villar : ( galit ) Eh di bumili ka ng commercials…sabihin mo namamasko lang sa gitna ng kalsada.
Amuyong : Sir…sir… Pero di po pasko ngayon.
Villar : ( Binatukan yung amuyong ) Um,gago !….di ba matagal na nating naloloko mga tao sa commercial natin ? Kung yun ngang mahirap ako eh naloko natin sila, para pasko lang…di mo sila maloko?
Villar Joke 2
So minsan, kausap niya ang isang contractor at kapwa sila may checklist. Syempre kailangan ma-meet yung mga “specifications” ni Villar. They were comparing notes and this is how it went;
Contractor : ( binabasa yung checklist ) Sir…itong kalsadang ito, DINAANAN ang 23 subdivisions na pag-aari ninyo.
Villar : ( Tinitignan yung checklist ) Check
Contractor : Sir….kahit may ibang nakabitin na katulad na project, inuna namin ito.
Villar : Check
Contractor : Sir,…pinili namin ang mga properties ninyo na bilhin para maging right of way.
VILLAR : Check
Contractor : Sir….malaki pa overprice, sir. He-he.
VILLAR : Check
Contractor : ( pause…wala na kasing mabasa sa checklist )
VILLAR : Check
CONTRACTOR : ( Nagtataka )
VILLAR : Check
CONTRACTOR : ??????
VILLAR : Check
CONTRACTOR : Este, sir….wala na pong nakasulat sa checklist maliban sa nabasa ko, bakit check pa rin kayo ng check ?
VILLAR : Tanga ! Yung check ng overprice ko, akin na. Be sure na di tatalbog yang check na yan, ha? Bilisan mo at baka maabutan na naman tayo ni Jamby. Dali !
"I am determined to continue the fight started by my father and my mother to see
that democracy takes root and is strengthened in our country. This cannot happen
in a government that serves the interest of the powerful few. We must strengthen
the institutions of government so that they truly serve the interests of our people."





Hustisya
8 Feb, 2010
May joke pa ako on Villar. Your attention please. Di ba may commercial si Villar na check…check…check….? Ganun pala talaga si Villar. Mahilig sa checklist. http://noypi-ako.com/villar-joke/
Regina
8 Feb, 2010
Pasakalye lang: Sa Inquirer The 1st Edition Presidential Debate, sa UP Theater, ay may mga tao from unknown camps na nagpakalat ng leaflets na nananinira sa ating kandidato. Napakaduwag naman ng ganyang gawa. Sana mas naging matapang kayo na ipakilala ang inyong mga sarili. Bastusan lang.
Dennis Villarta
8 Feb, 2010
@Regina,this how they work today , magkakasama talaga ang mga iyan with only one purpose and that is to discredit not only Noynoy but also Ninoy and Cory , Sabi ko nga sarili ko if the marcoses will succeed on this ,with Bongbong winning and other Marcos remnants are also winning then,I will take that as a signal that what I did in fighting these people during the dark times of our country , was a mistake, and perhaps it would be prudent that I will never involve myself again in any pursuit for good governance of this country. Bahala na lang diyos sa atin…
Regina
8 Feb, 2010
@Dennis and all the others Sana magdilang anghel kayo. Sana magkaroon ng himala. Let’s pray!
veida jen yarcia
9 Feb, 2010
kung gusto ninyong mapagnakawan iboto niyo si Villar, kung ayaw niyong mapagnakawan simple lan, KAY NOYNOY tayo.
Kaibigan mag-isip ka, hwag nang paloloko , tama na, oras na para sa makatotohanang pagbabago.
Hustisya
9 Feb, 2010
Guys, Villar joke uli tayo; ( tumawa naman kayo…pls. )
Naloko daw ni Villar ang mga tao na wala siyang kasalanan. Naloko rin niya pati yung mga alipores niya sa senado. And by a stroke of something strange….akalain mong pati si St. Peter, naloko niya….
So nung mamatay si Villar, akalain mong diretso siya sa langit. But then, he can not fool St. Peter all the time. So nuong malaman niya ang lahat nang pinaggagawa ni Villar sa lupa, pinalayas niya ito sa langit at pinalakad sa pagka-haba-habang daan papunta sa impiyerno.
Syempre malugod naman siyang tinanggap ni Satanas sa impiyerno. Dahil magaling mambola, akalain mong ginawa pang kanan kamay ni Satanas si Villar sa impiyerno.
But that was not for long. After a few days tinawagan ni Satanas si St. Peter at galit na galit. Ganito ang naging usapan njila….
St. Peter : Teka, teka…..bat galit na galit ka?
Satanas : *******….naisahan mo ako. @#***@@)” ! Mula nang pinadala mo rito si Manny Villar eh komonting dimonyo na nakakarating dito sa impiyerno.
ST. PETER : Whoa…wait a minute. Wag kang mag-aakusa sa akin. Wala akong kinalaman diyan. Komonti kamo ang mga walang hiyang nakakarating sa impiyerno mula nang makarating si Villar sa impiyerno ?
SATANAS : Oo…%^###@”"”&$ na villar yan. Pati ako inisahan.
ST. PETER : ( Amused ) Ibig mong sabihin maraming na-convert sa kabutihan si Man-Evil-Liar ?
SATANAS : Si Man-Evil-Liar mag-coconvert ng tao sa kabutihan. Ha-ha-ha! Eh nagdala pa nga ng 11 senador nung dumating dito.
ST. PETER : Eh bakit nga kumonti ang mga dimonyong nakarating sa impiyerno simula nang dumating diyan si Man-Evil-Liar ?
SATANAS : ( Napaiyak na sa sobrang inis ) Hu-hu-hu. Kasi yung pagkahabahabang daan papunta dito sa impiyerno….
ST. PETER : O, anong nangyari sa pagka-habahabang daan papuntang impiyerno ?
SATANAS : Pinasimento ni Villar….( hikbi )
ST. PETER : O, e di dapat lalo kang matuwa dahil pinasimento ni Villar.
SATANAS : Kaso, pinadaan niya sa lahat ng kanyang subdivision yung daan kaya may mga dimonyong naligaw at di nakarating dito……Waaaaaaaaa!
lenlen
9 Feb, 2010
Bwahahahahaha!!!!!!!thanks for the joke Hustisya.Tatawa kaya si Dolphy nito? hahahahaha!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
Awie
10 Feb, 2010
This is really a funny joke Hustisya!…more more jokes to come. ha-ha-ha!