Speech of Sen. Noynoy Aquino at Araneta Coliseum
Mga minamahal kong kasama, kapatid at kababayan:
Noong madaling araw ng Setyembre 23, 1972, dumating ang mga sundalo at dinakip ang aking ama. Kami naman ay ginising ng aming ina, at sinabi sa amin kung ano ang nangyari.
Labing- dalawang taong gulang lamang po ako noon. Kinulong ang aming ama kahit na siya ay walang sala. At doon nagsimula ang aming kalbaryo.
Marami ang naniniwala noon na siya ang magiging susunod na Pangulo. Ngunit sa araw na iyon, bigla siyang itinuring na pangunahing kaaway ng estado bagama’t wala siyang kasalanan.
Bumaliktad ang aming mundo. Itinakwil kami ng mga taong nangako na hindi kami iiwan.
Mula sa inaasahang magandang kinabukasan, nag-umpisa ang bangungot ng martial law.
Mula grade one hanggang grade six, ako po ay nasa top ten ng aking klase. Naghahanda para sa isang magandang kinabukasan. Ngunit ng dumating ang martial law, parang naging imposible ang magkaroon ng isang kinabukasan.
Dahil doon, mahirap magsumikap na mag-aral nang mabuti para sa isang kinabukasang walang taglay na pag-asa.
Ang aming nanay ang tumayong ama at ina ng aming pamilya.
Para makapiling ang aming ama, kailangan pa naming humingi ng permiso sa mga namamahala ng martial law.
"I am determined to continue the fight started by my father and my mother to see
that democracy takes root and is strengthened in our country. This cannot happen
in a government that serves the interest of the powerful few. We must strengthen
the institutions of government so that they truly serve the interests of our people."

Dennis_Villarta
8 Mar, 2010
This is what’s in my heart and in my thoughts ….
NOYNOY PARA SA PINOY …
Jet Pampolina
8 Mar, 2010
Dennis, mag usap nalang tayo muli sa July 1, 2016… to see if indeed Noynoy was for the Pinoy (or for the Makati Business Club, Manila Old Rich and Oligarchs)… or baka nag abroad ka na ‘nun….
fe isidro
21 Mar, 2010
Akoy isa sa karamihan pinoy na may tiwala kay Noynoy,
na uunlad ang bansang Pilipinas kung siya ang magiging
Pangulo natin and i’d believed His the chosen one.mabuhay ang pilipinas…