Reaksyon ni Noynoy sa Pulse Asia Survey
Hindi na ho kami nabigla sa mga pangyayari. Una, dalawang taon na pong nangangampanya ang aking mga katunggali habang ako’y kasisimula lamang. Ginagampanan ko rin ang mga tunkulin ko bilang mambabatas habang wala ng inatupag ang ibang mga kandidato kung hindi pangangampanya. Pinabayaan na nila ang kanilang mga tunkulin sa mga taong pinagkatiwalaan sila ng boto.
Pangalawa, sa laki ng gastos ng kabilang kampo sa political advertising, at sa pataksil at walang basehang mga paninira nila sa akin, kasama pa ang ang mga pang-uusig na dinaranas namin mula sa administrasyon—ang pagsisante’t paglipat sa mga police directors, mga walang katuwirang desisyon ng Comelec upang alisin ang aming mga kapartido sa kanilang mga katunkulan sa lokal na pamahalaan, mga biglaang paghinto ng administrasyon sa proyekto sa mga probinsyang sumusuporta sa amin, at kamakailan ang pagpigil sa aming mga rally—ang nakakagulat po ay ako pa rin ang nangunguna sa lahat ng presidential surveys.
Bawat araw, nagiging klaro sa aming mga isipan na mayroong maitim na sabwatan sa pagitan ng administrasyon at ng aking katunggali. Kaya nga hindi napigilan ng tagapagsalita ng palasyo ang kanyang sarili sa pagpapasalamat sa isa sa mga kandidato dahil sa kanyang pananahimik bagama’t kailangang tutulan ang maraming katiwalian ng administrasyon.
"I am determined to continue the fight started by my father and my mother to see
that democracy takes root and is strengthened in our country. This cannot happen
in a government that serves the interest of the powerful few. We must strengthen
the institutions of government so that they truly serve the interests of our people."





Hustisya
5 Feb, 2010
Our country will be the most UNFORTUNATE if election will be decided on the sheer volume and frequency of political advertisements.
And I am not sure what kind of people we will become in the eyes of the world if this election will be reduced to a contest on who has the most money.
Jet Pampolina
6 Feb, 2010
Rather than focus on what the opponents say or do, Noynoy should enunciate clearly what he plans to do. His vision for a Philippines (2010-2016) is what is seemingly absent in his campaign… Ok, he will not steal…then what ??? What groundbreaking steps will he introduce to turnaround a society that is beset with corruption and patronage politics… into one where every Filipinos will be steered towards excellence and volunteerism to lift the country up !!!
ruzzano
6 Feb, 2010
Dear All, I saw in the facebook a very interesting political ad of Sen Noynoy “kalsada at hospital” it’s about 35 seconds but very substantial. I hope someone can download it here.
pasingit_ulit
7 Feb, 2010
eto ang matagal ko na rin sinasabi kaya hindi ako masyadong sampalataya sa mga survey…
una, sino ba ang laging gumagastos ng milyon para lang magpasurvey dahil may kakayahang gumastos?…
pangalawa, mukhang iisang grupo lang ang laging nagpapasurvey…
at huli, kung iisang grupo lang ang laging nagpapasurvey, hindi ba mas madali nilang magagawan ng trending ito?…
hindi biro ang magpasurvey, malaking halaga ang dapat ilabas para makakuha ng datos, at kung may kakayanan gumastos para dito, mas malaki ang pwedeng gawin para makagawa ng trending…
trending, para mapagmukhang maganda ang ikinikilos ng isang kandidato sa pananaw ng mga tao…
at dahil ang sistema ng ating lipunan ay punong puno na ng pagtatakip at pagmamanipula, hindi rin malayo na maglabas ng resulta kahit ito ay taliwas sa katotohanan…
ang importante lang, mailabas ng husto ang totoong mithiin at adhikain para sa bayan…
huwag mawalan ng pagasa dahil mas marami ang taong mas gusto ang mabuting pagbabago sa ating lipunan…
mas marami ang taong gustong maging matuwid ang pamamalakad ng ating gobyerno…
at mas mariming pilipino ang gustong magkaroon ng kasagutan ang lahat ng maling ginawa ng kasalukuyang lider…
katarungan para sa winaldas sa kaban…
pagkakaisa para sa pagpapanumbalik ng totoong demokrasya…
matuwid na pamumuno para sa kaayusan at kagalingan ng mga kababayan nating nilinlang at pinagkaitan ng totoong serbisyong ibinulsa ng mga tiwali sa gobyerno…