NoyPI Ako!: Noynoy for President Initiative Aktibong Komunidad Online!

Noynoy nilampaso si Villar sa 1 survey; Tabla naman sa 1 pa

Rey Marfil/Dindo Matining – Abante Online

Isang panibagong presidential survey na nag-leak sa media ang nagkumpirma at nagpakita ng malaking kalama­ngan ni Aquino kay Villar, maliban sa naunang TNS Tends survey kung saan sinasabing double digit ang abante ng una sa huli.
Isang reliable source ang nagkumpirmang nagpa-special survey si Villar sa Pulse Asia ng nakaraang Pebrero 6 hanggang 11 kung saan hindi umano pumabor sa nabanggit ang resulta nito.

Sa paunang impormasyong nakalap ng Abante, mas lalo pang lumawak ang kalamangan ni Aquino matapos makapagtala ng 42% habang bumagsak sa 26% si Villar, katumbas ang 16% agwat.

Sa vice presidential race, nanguna pa rin si Sen. Mar Roxas (37%), na sinundan nina Sen. Loren Legarda (28%), Makati Mayor Jejomar Binay (15%), dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Bayani Fernando (9%), at ni actor-host Edu Manzano (4%).

Full article

You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed.