NoyPI Ako!: Noynoy for President Initiative Aktibong Komunidad Online!

Candidate buying (Erap)

by Raymond Burgos, www.abante-tonite.com

Dahil na rin naliligo sa dagat ng pera si Nacionalista Party standard bearer Manny Villar ay natural lang na maparata­ngan ito ng vote buying lalu pa’t bahagi ng kanyang campaign strategy ang gumamit ng pera para manalo.

Dalawang insidente ang posibleng makasuhan si Villar ng vote buying kung may maglalakas-loob na pumunta sa Commission on Elections para magsampa ng pormal na reklamo.

Ang unang insidente ay naganap sa kanyang pa-concert sa Mall Of Asia noong Biyernes ng gabi kasabay ng Edsa rally sa Araneta Coliseum ni Liberal Party presidential candidate Noynoy Aquino. Sa kalagitnaan ng concert sa MOA ay namigay si Villar ng sandosenang scholarship sa mga mahihirap na bata na nagkakahalaga ng P70,000 bawa’t isa.

Ang ikalawa namang insidente ay nangyari sa campaign sortie ng NP sa mga syudad ng Batangas at Lipa kung saan namigay ng tig-P20 si Villar sa mga batang paslit na naghihintay na makamayan ang kandidatong mahilig tumulong sa mahihirap.

Sa unang insidente, ang naging depensa ni NP spokesman Gilbert Remulla sa akusasyon ng vote buying ay matagal nang napanalunan ng mga bata ang mga naturang scho­larship sa Wowowee at pormalidad na lamang ang pagbibigay sa kanila noong concert sa MOA.

Ituloy ang pagbabasa

  • kailangan pa po ba na may magsampa ng reklamo sa comelec para imbestigahan at husgahan ang mga naturang insidente? Di po ba sila maaaring umaksiyon sa kanilang sariling pagkukusa?

  • kailangan may mag file ng formal complain.

  • Naman, pag hindi pa nakita ng mga pinoy kung anong klaseng tao etong si Villar, ewan ko na.

You can follow any responses to this entry through the RSS 2.0 feed.